Manila, Philippines – So, what’s wrong with buying stuff from an ukay-ukay shop?
Wari’y ganito ang pananaw ni Kim Chiu, herself a patron of shops which sell used or secondhand items: mula sa damit to shoes to bags to just as anything wearable.
Hindi nga niya ikinahihiya na dati siyang suki ng mga ukay-ukay when asked at a mediacon for her ukay-themed series, bagkus ay proud pa niyang ibinahagi ang kanyang ukay-ukay experience.
Ani Kim, sa halagang P300 daw ay nakaiskor siya ng pink dress.
Ginamit daw niya ‘yon sa prom night, kung saan siya pa ang tinanghal na Lady of the Night.
Ang siste, gamit na siyempre as in used na ang pink gown na ‘yon, gamit na gamit pa!
Kim has two sisters at hiraman daw sila ng mga damit.
But mind you, hindi gaanong liberal ang fashion sense ng nobya ni Xian Lim.
Tulad halimbawa ng ‘di pagsusuot ng aĺl-black dress.
Hindi raw niya keri ‘yon as she refuses to come on strong, may pagka-daring na raw.
Kim also doesn’t like to wear red lipstick dahil daring din daw ‘yon.
The Chinita actress goes by what she calls the rule of threes.
This is in terms of accessories to match her outfit.
Tatluhan in the sense okey sa kanya magsuot ng bracelet, necklace at singsing.
Basta hanggang tatlo lang dahil anything more than that is a bit too OA na raw.
With Kim’s admission she was once an ukay-ukay patron ay lalo tuloy niyang inilalapit ang kanyang sarili sa madlang people.
Kunsabagay, it’s not the dress but how the person wears the dress. Ronnie Carrasco III