Manila, Philippines- Ginawang produktibo ng mga hosts ng It’s Showtime ang kawalan nila ng trabaho sa loob ng 12 araw.
Matatandaang nagpasyang suspendihin ng MTRCB ang pananghaliang programa bunsod ng cake icing licking incident on air.
Kalauna’y tinanggap na rin ng pamunuan ng Showtime ang naturang 12-day suspension verdict.
Pansamantalang pumalit ang It’s Your Lucky Day hanggang in effect pa ang suspensyon.
While on break, nagsilbing pagkakataon na rin ‘yon ng lahat ng Showtime hosts para magliwaliw sa Hongkong.
Nilibot nila ang siyudad ng nasabing most traveled Asian neighbor.
Parang pagre-recharge na rin ‘yon para sa mga hosts.
At the same time, their HK vacation allowed them time to reflect and strenghten their ties.
Pagdating sa gastusan ay hindi nila pinauso ang so-called KKB o kanya-kanyang bayad maliban sa kanilang shopping which they had to individually spend on.
By lunchtime, kumain ang buong grupo sa sikat na Imperial Treasure restaurant, isa sa mga finest culinary establishments doon.
It was Vice Ganda who footed the bill.
Converted to Philippine currency, gumastos ng P63,000 ang Unkaboggable Star.
Matapos makapananghalian ay ginalugad ng buong grupo ang mga tanawin at pasyalan sa HK.
Pagdating ng hapunan ay si Kim Chiu naman ang sumagot ng kanilang kinain.
Flinex ni Kim ang larawan ng resibo ng kanyang binayaran.
Converted to peso’y umabot ‘ton ng P105,000.
Biniro nga siya ni Vice Ganda na gastos na raw ‘yon para sa isang debut.
Kstwiran naman ni Kim: “Okey lang ‘yon…pagkain naman ‘yon!”
Nagbiro pa ang Chinita Princess na ipakukuwadro o ipapa-frame daw niya ang resibo bilang souvenir. Ronnie Carrasco III