Home ENTERTAINMENT Kim, hindi mabanggit ang Linlang sa It’s Showtime!

Kim, hindi mabanggit ang Linlang sa It’s Showtime!

Manila, Philippines- Pansin ng mga netizen ay never daw nabanggit ni Kim Chiu  ang  pinagbibidahang serye, ang ” Linlang,” sa  tuwing siya’y nasa It’s Showtime, kung saa’y isa siya sa mga hosts ng programa.

Sa showbiz update ng vlogger na si Ogie Diaz, ito rin ang kanilang usap-usapan.

Ano raw ang dahilan kung bakit di mabanggit ni Kim ang “Linlang” sa kanilang programa?

Ayon sa kuwento ni Ogie, “May mga nagre-react. Bakit daw hindi mabanggit ni Kim Chiu ang ‘Linlang’ sa ‘It’s Showtime’. Kasi kinongratuleyt ni Amy Perez si Kim, “congratulations! Dahil first day ng ‘Linlang’.”

Tapos parang may binulong si Kim kay Amy. Something like bawal. Hindi mabanggit ni Kim ang ‘Linlang’.

October 2023 nang unang ipinalabas sa Prime Video ang Linlang na laging trending ang bawat episode nito.

Kasama ni Kim sa serye sina Paulo Avelino, JM de Guzman  at ang tambalang Anji Salvacion at Kice, na ngayo’y nasa primetime series na ng Kapamilya network after Batang Quiapo. Ador Saluta

Previous articleKatrina, nagluluksa sa pagkasawi ng partner!
Next articleEx-NBA star Rajon Rondo inaresto sa kaso sa baril at droga