Home NATIONWIDE Kim Jong Un nagbabala ng nuclear attack

Kim Jong Un nagbabala ng nuclear attack

NORTH KOREA – Nagbabala si North Korean leader Kim Jong Un na hindi magdadalawang-isip ang Pyongyang na maglunsad ng nuclear attack kung patuloy na iinisin ng mga kaaway sa nuclear weapons nito.

Ang pahayag ni Kim ay kasabay ng pakikipagkita niya sa mga sundalo para sa missile bureau ng militar, at pinuri ang mga ito sa katatapos lamang na drill ng
intercontinental ballistic missile (ICBM), sinabi ng KCNA news agency.

Aniya, ipinakita ng test ang loyalty at malakas na paninindigan ng armed forces at “a clear explanation of the offensive counteraction mode and the evolution of the nuclear strategy and doctrine of the DPRK not to hesitate even a nuclear attack when the enemy provoke it with nukes.”

Ngayong linggo ay sinabi ng North Korea na sinubukan nito ang pinakabagong ICBM upang palakasin ang kahandaan ng kanilang nuclear forces laban sa mga ginagawa ng US.

Nitong Miyerkules, Disyembre 20, naglabas ng joint statement ang Estados Unidos, South Korea at Japan na kumukondena sa pinakahuling ballistic missile ng North Korea at hinimok sa “substantive dialogue without preconditions”.

Ani Kim, ang paglulunsad nila ay nagpapakita ng high mobility at rapid attack capability ng kanilang mga militar.

“The UNSC should place heavy responsibility on the irresponsible behavior and act of the U.S. and the ROK, which have aggravated the tension on the Korean peninsula through all sorts of military provocations all year round,” sinabi ng kapatid ni Kim, na si Kim Yo Jong, na kumukondena sa United Nations Security Council (UNSC) sa pagdaos ng meeting sa ICBM launch.

Nitong Miyerkules, nagdaos ang United States, South Korea at Japan ng joint air malapit sa Korean peninsula. RNT/JGC

Previous article‘IRR sa panukalang batas, pampagulo’ – Tolentino
Next articleBiyaheng Naga-Legazpi, balik na sa Disyembre 27