Home NATIONWIDE Kim Jong Un nakiramay sa Syria quake victims

Kim Jong Un nakiramay sa Syria quake victims

NORTH KOREA – Nagpaabot ng mensahe ng pakikiramay si
North Korean leader Kim Jong-un sa mga biktima ng lindol sa Syria.

Sa mensaheng ipinadala nito kay President Bashar al-Assad nitong Martes, Pebrero 7, nakidalamhati si Kim sa pamilya ng mga nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Turkey at Syria nitong Lunes, Pebrero 6.

“I am sure that under your leadership, the Syrian government and the people will overcome damage from the quake as quickly as possible and the lives of affected people will be stabilized,” saad sa mensahe.

Ang Syria ay isa sa iilang mga bansa na may ugnayan sa North Korea sa kabila ng kabi-kabilang sanctions ng United Nations dahil sa nuclear at missile programs ng bansa.

Samantala, wala namang ulat kung nagpadala rin ba ng mensahe ng pakikiramay ang North Korea sa mga biktima ng lindol sa Turkey na isa rin sa mga napuruhan. RNT/JGC

Previous articleTaliban tutulong sa Turkey, Syria
Next articleHigit 30M SIM naiparehistro na – DICT