Home ENTERTAINMENT Kim, may bilyonaryong manliligaw!

Kim, may bilyonaryong manliligaw!

Manila, Philippines- Isang Filipino-Chinese producer named Iris Lee ang iniuugnay ngayon kay Xian Lim.

Ito raw ang ipinalit ng Kapuso actor sa kanyang nobya of 12 years na si Kim Chiu.

If this is the case daw, marami ang nang-uurot sa Chinita Princess that it’s about time she jumped into another relationship.

Ang problema nga lang, mismong si Kim na rin ang nagsabing getting into another romance will have to wait at the backseat.

Not too soon.

Sa tantya nga raw niya, it will take several months before she falls in love again.

Pero paano kung ang manliligaw ngayon ni Kim–tulad ng kumakalat na balita–ay isa raw bilyonaryong negosyante?

Sa ngayon, hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng guy nor is his line of business.

Basta certified billionaire.

Ang tanong: will Kim be willing to bite the bait?

Magkaroon kaya ng bearing ang economic status ng guy?

This the netizens doubt.

Unang-una, hindi raw maaaring masilaw si Kim sa yaman ng kanyang manliligaw as she’s a self-made woman herself.

Posible pa raw sunggaban ‘yon ni Kim kung bagu-bago pa lang siya sa showbiz.

Pero sa tagal na niya, Kim has amassed so much even she herself couldn’t imagine.

Besides, ang dahilan ng pag-ayaw na niya sa relasyon nila ni Xian is worth looking into.

Plain and simple: walang plano si Xian na magpatali for now as he still has a lot to achieve.

Nag-iingat din marahil si Kim dahil baka sabihing “love on the rebound” lang ang pagpatol niya sa kanyang billionaire suitor.

Nakadepende na ‘yon sa guy na ‘yon if he’s patient enough to wait sa ibinigay na time table ni Kim.

Magsisilbing test ‘yon sa billionaire suitor kung gaano siya kasigasig at ka-serious kay Kim.

Kung hindi naman, maanong ibang artistang single na lang ang ligawan niya most especially the ones na financial security ang habol? Ronnie Carrasco III

Previous article10 NPA, 3 Dawlah patay sa operasyon ng militar
Next articlePagsabay ng Cha-cha plebiscite at 2025 elections kakayanin ng Comelec