Home ENTERTAINMENT Kim, may mensahe sa Showtime family!

Kim, may mensahe sa Showtime family!

827
0

Manila, Philippines – Maiksi pero nakaka-inspire ang mensaheng ipinaabot ni Kim Chiu sa kanyang It’s Showtime family.

Ito’y isang araw matapos ibaba ng Movie and TV Review and Classification Board o MTRCB ang desisyon na nagpapataw ng 12-day suspension sa nasabing noontime program nitong September 4, Lunes.

Bunsod ito ng ilang paglabag ng Showtime sa mga alituntunin ng naturang ahensyang

pinamumunuan ni Lala Sotto.

Partikular na sinilip ng MTRCB ang icing incident na kinasangkutan ng magkarelasyong sina Vice Ganda at lon Perez.

“Indecent manner” ang paglalarawan ng board.

Naganap kasi ito sa harap pa mandin ng mga bata sa segment na Isip Bata ng Showtime.

Kung tutuusin, damay rin si Kim dahil sa pagbanggit niya ng “pekpek” shorts.

Gayunpaman, itinawid ni Kim ang mensahe ng kanyang suporta sa kanyang mga kasamahan.

Tinawag niyang pagsubok ang pinagdadaanan ng programa.

Ayon sa kanyang post ay naniniwala siyang malalampasan nila ito.

“Basta together as ONE!” ayon sa kanyang post.

Inalmahan naman ng maraming netizens ang 12-day suspension na pinataw ng MTRCB.

Ikinukumpara kasi nila ito sa iba pang mga pananghaliang programa na meron ding paglabag pero nakakaligtas pa rin.

Obyus na ang E.A.T. ang tinutukoy ng mga netizens.

Ang isa sa mga pangunahing host nito’y si Tito Sotto na ama ng MTRCB chief.

Tiyuhin naman ni Lala si Vic Sotto.

Nauna nang nilinaw ni Lala na hindi niya nakikitaan ng malisya ang halikan ng kanyang mga magulang sa recent episode ng E.A.T.

Sa kaso naman ni Wally Bayola na napamura sa Sugod Bahay Kapatid segment ay naging maagap ang paghingi nito ng paumanhin even before the MTRCB could take appropriate action. Ronnie Carrasco III

Previous articleSen. Go, nabahala sa kakaunting nagpapa-checkup ng sakit
Next article5 pang POGO workers sa Pasay raid, naghain ng ‘not guilty’ plea

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here