Manila, Philippines – Cooking Tortang Talong ang latest vlog ni Kim Chiu.
May bonus pang Q & A portion kung saan Kim gamely answered questions from netizens.
Isa sa mga naitanong sa aktres ay kung bakit no-show siya sa kasal nina Maja Salvador at Rambo Nuñez.
The two exchanged I do’s in Bali, Indonesia on July 31.
Simple lang ang sagot ni Kim sa tanong kung bakit: hindi siya imbitado.
Tahasang inamin ni Kim na hindi sila sobrang close ng ngayo’y Mrs. Rambo Nuñez na.
Hindi na rin daw sila nagkakausap.
Nauunawaan naman daw ng Chinita Princess why she never got invited.
“Siyempre, pag araw ng kasal mo, ang gusto mong naroon ay ‘yung mga taong gusto mo lang!” aniya.
Hirit pa ni Kim, kung sakali raw bang naroon siya sa kasal ay matitigil ba ‘yon?
In fairness though, nagpaabot naman daw si Kim ng pagbati kay Maja.
Proof that no bad blood stands in their way ay nag-wish pa nga raw si Maja na bumuti ang kalagayan ng ate ni Kim na si Lakam who got hospitalized last April.
In showbiz circles, ang mga kilalang malapit kay Kim ay sina Angelica Panganiban at Bela Padilla.
Collectively, they’re known as AngBeKi.
Kung matatandaan, Kim and Maja were once close until 2013 when the latter admitted to having a relationship with Gerald Anderson.
Si Gerald ang dating nobyo ni Kim bago si Maja. Ronnie Carrasco III