Home ENTERTAINMENT Kim, pinuna ang pagiging mali-mali!

Kim, pinuna ang pagiging mali-mali!

584
0

Manila, Philippines – Kadalasan, it’s our preconceived ideas when spoken which get us into trouble.

Wala ring iniwan ito sa kaso ni Kim Chiu na naging target umano ng MTRCB.

May mga netizens kasing nakapanood ng isang episode ng It’s Showtime bago pa ito sinuspinde ng MTRCB.

Partikular na sinilip ng mga ito ang Tawag ng Tanghalan segment kung saan nagbigay ng kanyang komento si Kim patungkol sa isa sa mga contestants.

Ani Kim sa kalahok: “Ang ganda ng ‘vibrator’ ng boses mo!”

Obyus na ang gustong tukuyin ni Kim ay ang “vibrato” o timbre ng boses ng contestant.

Ilang netizens naman ang pumalag sa kung tutuusi’y honest mistake ni Kim na matatawag.

Hindi lang ang insidenteng ‘yon ang naiparating sa atensyon ng ahensyang pinamumunuan ni Lala Sotto.

In a separate episode ng nasabing programa ay magkatuwang na nagho-host sina Kim at Jhong Hilario.

May nabanggit si Kim tungkol sa “p*kp*k shorts.”

Ang naturang shorts ay maikli kumpara sa mga karaniwang shorts.

Agad namang kinorek ni Jhong ang tinuran ni Kim, by saying: “Kwek-kwek shorts!”

At napa-kwek-kwek shorts na rin si Kim bilang pagsang-ayon.

Tanong tuloy ng marami: sinasadya ba ni Kim na maging mali-mali sa kanyang pananalita, o talaga lang na mali-mali siya na pag nabibigla lalo na ay kung anu-ano ang lumalabas sa kanyang bibig?

Hindi kasi maaaring laging idinadahilan na lang ang pagiging isang mali-mali ng tao.

Bakit hindi na lang i-assign si Kim sa mga safe segments which will require her to talk less?

Sabi nga, less talk, less mistakes. Ronnie Carrasco III

Previous articleMark, kuntento na sa career, hindi naghahangad ng mas mataas!
Next articlePagbagal ng growth rate isinisi ni Gatchalian sa underspending ng gobyerno

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here