Home ENTERTAINMENT Kim pumiyok na kay Xian!

Kim pumiyok na kay Xian!

Manila, Philippines – Masuwerte si Dra. Vicky Belo dahil siya lang ang pinaunlakan ni Kim Chiu ng panayam sa vlog nito.

It should be noted na mula nang mag-break sila ni Xian Lim, her boyfriend of 11 long years, ay never pang nagsalita si Kim.

“Sa ‘yo lang ako pumayag,” pag-amin ng Chinita Princess.

As expected, sumentro ang interview ng lady doctor sa lovelife ng kanyang subject.

Hindi lingid sa publiko na dalawa pa lang ang relasyong pinanggalingan ni Kim.

Una, kay Gerald Anderson which lasted for five years.

Sinundan ‘yon with Xian sa loob nang 11 years.

Ani Kim without naming names: “Magkakaiba sila ng scenario. The first one was different, iba rin ‘yung pangalawa.”

The only common denominator lang daw doon ay both relationships took years.

Dito na pumasok ang self-realization ni Kim, using it as a guide in her next relationship.

“Siguro, sa susunod, gagawin ko na lang maikli. Instead of 5 years, gagawin kong 5 hours. Sa halip na 11 years, I’ll make it 11 hours,” sabay hagikhik over her joke.

But on a serious note, tuturuan na raw ni Kim ang kanyang sarili na huwag nang mag-expect o umasa.

Kim confessed to having expected daw so much du’n sa ikalawang relasyon niya.

Hindi naman daw niya matanong ang kanyang nobyo (alluding to Xian) what he planned for both of them.

“I had it in mind but I never dared ask,” pag-amin ng aktres.

Tanong ni Dra. Belo: “But did you feel you were loved, I mean, unconditionally?”

May pagka-tricky lang ang bahaging ito, dahil ang sagot ni Kim ay: “Oo, I felt that…from my ate!”

Wala rin daw ideya si Kim if Iris Lee of Viva is Xian’s new girlfriend after her.

Pero matagal na rin daw niyang nauulinigan ‘yon.

But asked kung kumusta na ang puso ni Kim ngayon?

Tugon niya: “My puso? It’s parang…empty!”

Nakuhang isingit ni Dra. Belo si Paulo Avelino, pero obyus namang pangkiliti lang ang sagot ni Kim para i-promote ang kanilang teleserye. Ronnie Carrasco III

Previous articleMarine, 2 pa patay sa suwag ng dyip
Next articleSC: MMDA may ekslusibong kapangyarihan sa traffic rules sa NCR