RUSSIA – Nagpulong ang lider ng North Korea at Russia para mapalakas pa ang military cooperation ng dalawang bansa, maging ang ugnayan sa ibang aspeto nito.
Ang summit kasama sina North Korean leader Kim Jong-un at Russian President Vladimir Putin ay ginanap nitong Miyerkules, Setyembre 13 sa
Vostochny spaceport sa Far Eastern region ng Russia.
Marka ito ng kauna-unahang pagpupulong mula noong Abril 2019 kung saan ginanap ang summit sa Vladivostok.
Hindi pa batid ang kumpletong detalye ng naging pagpupulong, ngunit isa umano sa napag-usapan ang probisyon ng Pyongyang sa artillery shells at ammunition sa Moscow para sa giyera nito sa Ukraine sa kabila ng international warnings.
Tila gustong-gusto rin ng North Korea na makakuha ng advanced weapons technology transfer mula sa Russia, lalo na’t abala rin ang naturang bansa sa pagbuo ng high-tech weapons, katulad ng military spy satellites at nuclear-powered submarines.
“The summit between North Korea and Russia indicates the bilateral relations have developed into a level of strategic alliance beyond the restoration of their Cold War-era relations,” sinabi ni Cheong Seong-chang, direktor sa Sejong Institute.
“The two nations are expected to execute military cooperation in a gradual manner, starting from the North’s arms supplies,” sinabi naman ni Hong Min, researcher sa state-run Korea Institute for National Unification.
“Russia’s transfer of advanced technology related intercontinental ballistic missiles or nuclear-powered submarines may be carried out over the long term,” dagdag pa niya.
Duda naman ang ranking official sa Seoul sa posibilidad ng advanced military technology transfer ng Russia.
“There would be limitation for such a move, given that there is nothing for Russia to expect from North Korea other than artillery shells,” sinabi ng high-ranking official sa South Korea.
“Over the long haul, North Korea will only be a burden for Russia and China.” RNT/JGC