Home ENTERTAINMENT Kim, sinampal ni Maricel, sinuhulan!

Kim, sinampal ni Maricel, sinuhulan!

Manila, Philippines – How does one make amends if he knows he has wronged somebody?

Hindi ba’t karaniwang nasa ganitong sitwasyon ay sapat nang humingi ng paumanhin o sorry sa kanyang ginawa?

Of course, it comes with a pomise na hindi na ‘yon mauulit pa.

Pero iba ang kaso ni Maricel Soriano.

Remember nang buong ningning na sinabi ni Kim Chiu na natupad na ang kanyang pangarap na masampal ng nag-iisang Diamond Star?

Naganap ang sampalan scene sa intense drama na Linlang.

After that particular scene nga’y feeling “arrived” na si Kim who considers it a career milestone.

Knowing Maricel, after the take ay inihihingi niya ng sorry kung naging makatotohanan man ang dapat sana’y cinematic na sampal.

Bukod sa paghingi ng tawad kay Kim ay nilubus-lubos na ni Maricel ang kanyang gesture para makabawi sa Chinita princess.

And how?

Niregaluhan lang naman ng Diamond Star si Kim ng limang pares ng Christian Louboutin shoes!

Yes, five pairs of branded shoes kapalit ng sampal.

Bukod sa na-touch si Kim, heto na, looking forward siya to another sampalan scene dahil tiyak na may “suhol” na naman daw si Maricel.

Bukod kay Kim, nauna nang nakatikim ng sampal ang kaeksena noon ni Maricel na si Dingdong Dantes sa GMA teleserye na Ang Dalawang Mrs. Real at si Vice Ganda sa pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Niregaluhan din kaya ni Marya ang mga ito most especially Vice Ganda na dumugo ang nguso?Ronnie Carrasco III

Previous articleDraft sa PH-Vietnam rice deal halos tapos na
Next articleSarah, inasar si Anabelle!