MANILA, Philippines – Arestado ang 15-taong gulang na si “John John” at ang dalawa pang suspek sa San Mateo, Rizal, noong Black Saturday, Abril 19, matapos makuha ang ₱1,315,596 na halaga ng shabu sa isang buy-bust operation.
Nasamsam sa kanila ang anim na pakete ng hinihinalang shabu at isang knot-tied sachet na may kabuuang bigat na 193.47 gramo.
Ang bata ay itinurnover sa Municipal Social Welfare and Development Office, samantalang ang dalawang iba pa ay nakapiit at kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang kinakaharap. RNT