Home IN PHOTOS Kita ng 2023 MMFF pumalo sa higit P1B

Kita ng 2023 MMFF pumalo sa higit P1B

MANILA, Philippines- Nagsagawa ng press conference si Metropolitan Manila Development Authority Chairman Romando Artes, kasama si Manila International Film Festival Organizer Winston Emano, sa Pasig City nitong Martes upang ianunsyo ang kumita ang 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) ng P1.069 bilyon hanggang nitong January 7, 2024.

Gayundin, binanggit ni MMDA Chairman Artes na ilegal na pag-upload sa internet ng isa sa mga pelikula na kalahok sa MMFF. Aniya, kasalukuyan nilang iniimbestigahan ito upang mahuli ang uploader ng nasabing pelikula. Danny Querubin

Previous articlePatuloy na pagtatayo ng Super Health Center, pinuri ni Bong Go
Next articleBalikat ni Ja Morant ng Grizzlies, nabali