Home HOME BANNER STORY Kita ng mga tindahan ng paputok sa Bocaue, tumaas ngayong taon

Kita ng mga tindahan ng paputok sa Bocaue, tumaas ngayong taon

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng mas mataas na kita ang tindahan ng mga paputok ngayong taon partikular na sa Bocaue, Bulacan.

Ito ay sa kabila ng panawagan ng mga awtoridad na gumamit na lamang ng ibang alternatibong pampaingay sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon sa report, bumaba ang suplay ng mga paninda katulad ng kwitis, lusis at sawa dahil sa dagsa ng mga tao na gustong bumili ng paputok sa lugar.

Paliwanag ng mga mamimili, dumayo pa sila patungong Bocaue dahil mas mura ang presyo ng mga paputok doon.

Bulto-bulto rin ang binibili ng ilan na pinaniniwalaang ibebenta sa kani-kanilang mga lugar.

Samantala, nagbabala ang mga awtoridad na bawal ang pagbebenta ng paputok online at maaaring maparusahan ang sinumang mahuhuling gumagawa nito. RNT/JGC

Previous article30 patay sa Ukraine sa malawakang strike ng Russia
Next articleP574M Grand Lotto 6/55 jackpot, ‘di tinamaan