Klownz and Zirkoh, sarado na!

Klownz and Zirkoh, sarado na!

June 30, 2020 @ 8:23 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Kilala ang comedy bars na Klownz at Zirkoh sa Quezon City bilang mga negosyong pag-aari ng Eat Bulaga co host na si Allan K.

Ilang linggo pa lamang nang nagsimula ang community quarantine sa bansa ay kumalat na ang balitang nagbenta ng bahay si Allan K. at magsasara na rin daw ang Klownz at Zirkoh.

Agad naman dumipensa ang mga kaibigan ng konedyante at sinabing matagal nang binenta ni Allan K. ang kanyang bahay at ‘yun ay hindi dahil sa nararanasang kahirapan ng bansa dahil sa Covid 19 pandemic.

Sinabi rin ng mga close kay Allan K. na mali ang balitang sarado na ang kanyang mga comedy bars dahil sumusunod lang daw sila sa utos ng IATF kaya hindi la sila nagbubukas.

Sa EGCQ kaso at sa GCQ ay hindi pa pinapayagang magbukas ang nga bars tulad ng Klownz at Zirkoh.

Ngunit ginulat ng stand up comedian na si John Lapuz ang mundo ng mga comedy bars nang nag-post siya sa kanyang FB wall na may kulay itim na background.

“Bye Klownz & Zirkoh Comedy Bar….

John “Sweet” Lapus (Pioneer Primetime Artist),” sabi ni Sweet.

Nag-comment ang isang FB friend ni Sweet at kunumpirma kung “close” na ba talaga ang mga nasabing bars na sinagot naman ng komedyante ng, “yup!”

Si Janno Gibbs naman ay nagpadala ng “cry” emoticon.

“The sad end of an era,” comment naman ng isa pa niyang FB friend na si Mike Rivera.

Nauna pa ay binanggit na ni Sweet sa kanyang FB wall na magsasara na ang mga comedy bars.

“Magsasara na ang karamihan ng mga Comedy Bars.

“Lord kayo na po ang bahala sa mga anak ko,” sabi pa niya.

Sigurado, marami pang nga stand up comedians ang mawawalan ng trabaho dahil sa nakakalungkot na nangyayari sa comedy bar industry. Joey Sarmiento

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...