kNOW!edge | Pagkakadakip ng mga Amerikano kay Emilio Aguinaldo

kNOW!edge | Pagkakadakip ng mga Amerikano kay Emilio Aguinaldo

March 23, 2020 @ 8:30 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines — Alam mo ba sa petsang ito, Marso 23, taong 1901, nadakip si Heneral Emilio Aguinaldo ng pwersa ng mga Amerikano?

 

Pinangunahan ang grupo ni Frederick Funston katuwang ang mga Macabebe Scouts sa Palanan, Isabela.

 

Pebrero 8 nang sumuko sa mga Amerikano ang anim na gerilya sa pangunguna ni Cecilio Segismundo. Ilan sa mga dispatch na dala ni Segismundo ay ‘coded’ at pirmado ng “Pastor” at “Colon de Magdalo”, dalawang ginagamit na pseudonym o alias ni Aguinaldo. Bukod pa rito, ibinunyag ni Segismundo na hindi na hihigit sa 50 ang bilang ng mga sundalo ni Aguinaldo. Tinuro rin ng mga ito kung nasaan ang headquarters ng Heneral na nasa Palanan.

 

Katuwang ni Lazaro Segovia, sinubukan ni Funston na i-decipher ang mga mensahe. Karamihan sa mga mensahe ay para kay Heneral Baldomero Aguinaldo kung saan inuutusan itong magpadala ng mga subdalo sa Palanan.

 

Gamit ang impormasyong ito, nagsimulang pagplanuhan ni Funston at kanyang mga kasamahan ang gagawing pagdakip kay Aguinaldo.

 

Kinasabwat ni Funston ang mga Macabebe bilang mga taong nais ipadala ni Aguinaldo. Nagkunwaring preso si Funston at ang apat pang sundalo. Kasapi ng Company D, First Battalion at Macabebe Scouts ang 78 na Macabebeng pinili. Karagdagan pa nito, nagsasalita sila ng Tagalog sa kanilang diyalekto.

 

Nang makarating sila sa Palanan, nagkaroon ng putukan at dahilan upang mapasakamay na ng mga Amerikano si Aguinaldo. Siya ng unang pangulong nadakip. Remate News Team/MM

Share

Leave a Reply

Loading...