Home OPINION KOALISYON LABAN SA CHA-CHA

KOALISYON LABAN SA CHA-CHA

NOONG nakaraang February 14, Valentine’s Day, bukod sa nakasabay ang Ash Wednesday, ay makasaysayan ding muling umalingawngaw ang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines kasama ang may 40 people’s organizations at maging ang magiting at makabayang Senadora Risa Hontiveros sa paglulunsad ng napapanahong Koalisyon Laban sa Charter change na ginanap sa Maynila.

Ito ay binubuo ng mga religious sect, church group at people’s organization na silang mangunguna sa pagtindig para labanan ang planong pagbabago sa Saligang Batas.

Matatandaang kamakailan din ay naunang kumontra sa Cha-Cha si dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte sa kanyang isinagawang rally sa Davao City kasabay ng Bagong Pilipinas Rally naman ni Pangulo Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr. sa Quirino Grandstand sa Luneta Park, Manila.

Samantala, nagpatikim naman ng paunang protest rally ang Kwalisyon Laban sa Cha Cha nitong Pebrero 22, 2024 sa parke sa harapan ng Manila Cathedral at Palacio Del Gobernador kung saan naroroon ang pambansang tanggapan ng Commission on Elections  para kontrahin ang diumano’y People’s Initiative  na nagsusulong ng Charter change.

Ayon sa mga lider ng Koalisyon Laban sa Cha Cha ay unang patikim pa lamang ito ng kanilang pagkilos na magbubukas sa mas malalaki at malalawak pang protesta laban sa itinutulak na Cha-Cha.

Idinagdag pa nila, wala namang problema sa 1987 Constitution dahil ang problema talaga ay ang katiwalian at korapsyon na nagreresulta ng kahirapan. Ito ang dapat umanong labanan at tapusin sa ating gobyerno.

 

Previous articleSENIOR CITIZENS, DAPAT UMINOM AT MAGBAON NG TUBIG PARA MAKAIWAS SA HEAT STROKE
Next articlePAGSASALIGAL SA MOTORCYCLE TAXI AT MGA ‘KAMOTE’