Home NATIONWIDE Koko, kontra; JV pabor sa pagdedeklara bilang persona non grata sa Chinese...

Koko, kontra; JV pabor sa pagdedeklara bilang persona non grata sa Chinese envoy

MANILA, Philippines – Kinontra ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na panawagan na ideklarang persona non grata si Chinese Ambassador Huang Xilian, ngunit, pabor naman dito si , Senator JV Ejercito kaya’t dapat nang tignan bilang kaaway ang China.

Sa pahayag, sinabi ni Pimentel na dapat maging maingat ang lahat sa pagdedeklara bilang persona non grata sa kinatawan ng Beijing sa Maynila dahil bilang embahador, kumakatawan ito sa kanyang bansa.

“We should go slow in declaring foreign ambassadors as personas non grata. Avoid this as much as possible,” aniya.

“All grievances related to ambassadors and foreign relations must be coursed through our Department of Foreign Affairs so these grievances can be ‘professionally’ handled,” dagdag pa niya.

Ngunit, para kay Ejercito, dapat ideklarang persona non grata si Huang dahil huling-huli itong nagsisinungaling ng ilang beses.

“China should not be regarded as an ally anymore, but instead as an adversary,” giit ni Ejercito sa text messages sa reporter.

Isinagawa ng naturang mambabatas ang kanilang pananaw matapos ideklara ng Sangguniang Bayan (SB) ng Kalayaan sa Palawan si Huang bilang persona non grata matapos nitong ipagtanggol ang pambobomba ng tubig sa supply ship ng Philippine Coast Guard sa loob mismo ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Nangyari ang insidente noong Agosto 5 habang papunta ang ilang barko ng PCG na nagbabantay sa supply ship na magdadala ng pagkain sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Ernie Reyes

Previous articleP5.768T 2024 national budget, isasalang sa plenaryo sa Nobyembre – Angara
Next articlePadilla sa BuCor: Mayorya ng PDLs na gustong magbagong buhay, ‘wag idamay