Home METRO Kolehiyala lumutang sa dagat

Kolehiyala lumutang sa dagat

CEBU CITY- NAGPALUTANG-LUTANG at wala nang buhay nang matagpuan ang 19-anyos na kolehiyala sa karagatang sakop ng Island shell kaninang umaga, Pebrero 27 sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Niña Fuentes Arpon, taga Brgy. Ilihan, Tabogon, first year college sa Cebu Technical University (CTU) Consolacion campus na matatagpuan sa Brgy. Pagsabungan, Mandaue City.

Batay sa report ng Cebu City-PNP, natagpuan ang bangkay ng biktima na nakalutang sa dagat na sakop ng Island shell, Pier 1 sa naturang lungsod.

Positibo naman kinilala ang biktima ng kanyang mga kaibigan dahil sa suot nito.

Batay sa report ng Cebu City-PNP, bago ang insidente ay huling nakitang buhay ang biktima noong Sabado kasama ang dalawa niyang matalik na kaibigang babae subalit hindi na ito nakauwi pa ng kanilang bahay.

Nakita sa bag ng biktima na naglalaman ng identification (ID) card at cellphones sa Marcelo Fernan Bridge o 2nd Mactan Mandaue bridge sa Brgy. Pusok, Lapu-Lapu City.

Positibong kinilala ang biktima ng kanyang mga kaibigan dahil sa suot nitong puting polo shirt, hand wristband, kwintas, at marka sa tenga nito.

Sa ngayon nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

Nakatakda naman isailalim sa otopsiya ang bangkay ng biktima. Mary Anne Sapico

Previous articleHatol ng Navotas RTC sa mga pumatay kay Jemboy, iaakyat ng DOJ sa CA
Next articleCloud seeding planong isagawa ng PAF sa Benguet vs forest fire