Home HOME BANNER STORY Kolehiyala sa Pangasinan ginahasa saka pinatay sa palayan

Kolehiyala sa Pangasinan ginahasa saka pinatay sa palayan

PANGASINAN-NAKADAPA at walang saplot pang ibaba ng matagpuan ang bangkay ng isang 22-anyos na kolehiyala na napaulat na nawawala noong Biyernes sa bayan ng Anda.

Kinilala ang biktimang si Lowilyn Caido Caniedo, 4th year college student sa kursong BS Hospitality Management sa Pangasinan State University,Lingayen.

Ayon kay PSSG Maximiano Untalan, Jr., imbestigador ng Anda Police Station, natagpuan ang bangkay ng biktima sa palayan na sakop ng Barangay Cabungan ng naturang bayan.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, umalis ng bahay ang biktima noong Hulyo 20, dakong 8:00 PM at nagpaalam na pupunta lamang sa bahay ng kanyang kaibigan sa nasabing lugar.

Subalit, kinabukasan ay hindi na nakauwi pa ang biktima kaya nag-alala ang mga kaanak at ipina-blotter na nila sa pulisya.

Kinaumagahan ng Sabado, isang concerned citizen ang nag report sa himpilan ng pulisya hinggil sa natagpuan nitong bangkay ng babae sa palayan at positibo itong kinilala ng mga kaanak.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nakitaan ng sugat sa ulo ang biktima at hinihinalang ginahasa rin ito dahil wala na rin itong suot na panty.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad at isasailalim na rin sa otopsiya ang bangkay ng biktima para malaman ang ikinamatay nito.

Tiniyak naman ng Anda-PNP na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng biktima./Mary Anne Sapico

Previous article#WalangPasok sa iskul, trabaho, korte alamin!
Next articleP83.8-M marijuana, shabu nasamsam sa Cordillera