MANILA, Philippines – Kinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez na nagkaroon na ng “consensus” sa pagitan ng economic team at House leaders kung paano makapagpatupad ng reporma at mapondohan ang military and uniformed personnel’s (MUP) pension.
Ayon kay Romualdez matapos ang tatlong oras na closed door meeting alinsunud na rin sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos ay naayos na ang problema sa MUP pension.
“We all agreed on a solution that we believe will be beneficial to all stakeholders in the MUP pension program,” pahayag ni Romualdez.
Kasabay nito tiniyak ni Romualdez na ang mga sundalo at uniformed personnel ay matatanggap ang kanilang pension hindi lamang noong 2023 at sa 2024 kundi sa mga susunud pang mga taon.
“Ang sinigurado namin, mababayaran ang lahat ng pension ng ating mga sundalo at uniformed personnel. Lahat ng ahensya ng gobyerno at kami dito sa Kongreso ay magtutulungan para masigurado ito”ani Romualdez.
“Kung maiaayos natin ang MUP pension program, masisiguro rin natin na magkakaroon ng dagdag na sweldo ang ating mga sundalo at uniformed personnel taun-taon” dagdag pa ng House leader.
Iniutos din ni Romualdez ang pagtatag ng ad hoc committee sa House of Representatives na syang tututok sa isyu.
Ang komite at pamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda na syang ding chairman ng House Committee on Ways and Means.
Sinabi ni Romualdez na ang mga stakeholders sa MUP pension ay iimbitahan sa gagawing public hearings and consultation upang masiguro na ang lahat ng isyu ay matalakay at mabigyan ng angkop na solusyon.
Samantala, nagpasalamat naman si Salceda sa tiwalang binigay sa kanya nina Romualdez at Pangulong Marcos para pamunuan ang komite, aniya, isa lang ang nakatitiyak, ang win win solution sa problema.
“It guarantees three things: Sure salary increase. Sure indexation of pensions. And sure funding for the pension system” ani Salceda.
Sa kanyang State of the Nation Address(SONA) sinabi ni Pangulong Marcos na ang pagtanggap ng pension ng mga sundalo at uniformed personnel ay mahalaga kaya naman inatasna nito ang Kongreso na hanapan ng solusyon ang MUP pension.
“The pension of the military and the uniformed personnel is as important, as urgent, and as humanitarian as that of all other civilian Filipino employees. Efforts are underway to make it fully functional and financially sustainable,” nauna nang pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang SONA. Gail Mendoza