Home NATIONWIDE Kompanya sa Italy recruitment scam kinasuhan ng NBI

Kompanya sa Italy recruitment scam kinasuhan ng NBI

MANILA, Philippines- Nagsampa ng mga kasong kriminal ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa isang kompanya na umano’y nangako ng trabaho sa Italy kapalit ng hanggang P180,000 placement fees.

Kasunod ito ng reklamo ng 48 indibidwal mula sa Cavite at Batangas sa tulong ng NBI laban sa mga opisyal ng Alpha Assistenza SLR sa Department of Justice (DOJ).

Napag-alaman na ang ilang aplikante na nagbayad sa kompanya ay nag-claim na ang Italy authorities ay tinanggihan ang kanilang visa applications dahil sa pekeng “nulla osta” o work permits na ibinigay ng Alpha Assistenza.

Noong nakaraang buwan, naghain ng resolusyon si Senator Raffy Tulfo na naglalayong imbestigahan ang mga illegal recruitment schemes na nabiktima ng maraming Pilipinong naghahanap ng trabaho sa Italy.

Sa ilalim ng kanyang Senate Resolution 816, sinabi ni Tulfo na sinisingil ng Alpha Assistenza, na pinamumunuan ng Filipino co-CEO na sina Krizelle Respicio at Frederick Dutaro, ang mga biktima ng labis na placement at consultancy fee para sa mga trabaho na napag-alamang non-existent.

Sinabi ni Tulfo na ilan sa mga biktima ay umamin na nagbayad sila ng aabot sa 5,780 euros (P347,140) bawat isa.

Inalerto na ng Philippine Embassy sa Italya ang Public Prosecutors Office sa Rome, ang SUI, ang Questura at ang Italian Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMga indibidwal na apektado lindol sa Mindanao aasistihan ng DOLE
Next articleSariling produkto suportahan – Villar