Home HOME BANNER STORY Konduktor binaril ng motor rider sa Quezon road rage

Konduktor binaril ng motor rider sa Quezon road rage

QUEZON – Patay ang isang konduktor ng bus sa isa nanamang posibleng kaso ng road rage matapos na pagbabarilin ng isang motorcycle rider na muntik nang masagasaan ng bus sa Candelaria, Quezon.

Lumabas sa imbestigasyon na nasa gilid ng highway ang suspek nang muntik siyang masagasaan ng bus. Hinabol niya ang bus at nang maabutan ay dito na bumaba ang konduktor para makipag-usap.

Gayunman, walang ano-ano ay bigla na lang binaril ng suspek ang biktima na ikinamatay nito sa hospital.

Ang suspek ay subject na ngayon sa follow-up operations ng pulisya. Santi Celario

Previous articleGun ban target sa Sinulog festival
Next articleHalos P20M droga nasabat sa W. Visayas ngayong Enero pa lang