Home METRO Konduktor na sumasalisi bilang drug courier timbog sa P5.2M droga

Konduktor na sumasalisi bilang drug courier timbog sa P5.2M droga

ILOILO CITY – Arestado ang isang konduktor ng bus na rumaraket bilang drug courier kasama ang isa pang high-value target sa isinagawang buy-bust operation nitong Martes ng gabi, Pebrero 13, sa distrito ng Manduriao ng lungsod.

Nakumpiska rin sa operasyon ang 850 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P5.78 milyon, ayon kay Kapitan Glen Soliman, team leader ng Regional Police Drugs Enforcement Unit (RPDEU) ng Police Regional Office 6 (PRO6), nitong Miyerkules, Pebrero 14.

Sinabi ni Soliman na ang suspek na kinilalang si Gilbert, 34, at residente ng Barangay Cotta, Lucena City, ay isang courier na hindi nalalaman ng ibang mga bus driver.

Dagdag pa niya, bago ang operasyon noong Martes ng gabi, naghatid din ng droga ang suspek sa isa nilang parokyano patungo sa Iloilo.

Arestado si Gilbert sa Barangay Sta. Rosa sa 10 p.m. kasama ang isa sa kanyang mga contact na kinilalang si Pedik, 44, residente ng Barangay Dungon B.

Nakuha ng mga pulis mula sa mga suspek ang 11 sachet ng shabu, P50,000 buy-bust money, at iba pang ebidensya.

Isinailalim sa drug test ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165. Santi Celario

Previous articleHacking incident sa DepEd tatalupan ng DICT
Next article10 pulis-SPD sibak sa serbisyo sa ginawang condo raid