Home METRO Konduktor na tulak ng droga, nalambat

Konduktor na tulak ng droga, nalambat

SANTIAGO CITY – Hindi na nakapalag matapos na aminin ng kondoktor na nahuli sa paggamit at pagtutulak ng illegal na droga sa isinagawang drug buy operation ng pulisya sa Calao East, Santiago City.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Christopeher Danao, Chief Intelligence Unit ng Santiago City Police Office o SCPO kay PCol. Tirso Manoli, City Director ng SCPO, kinilala ang suspek na si Zaldie l Gacias, 34 anyos, bus conductor at residente ng Brgy. Cato Tuao, Cagayan

Nanguna sa operasyon ang CDEU/CIU, SCPO at ang PDEA RO2 katuwang ang Police Station 1 na nagresulta sa pagkakaaresto ng pinaghihinalaan.

Isang heat sealed transparent plastic sachet na may bigat na 0.19 gramo at nagkakahalaga ng P1,292.00 ang nabili umano sa suspek.

Maliban sa nabili ay nasamsam mula sa pagiingat nito ang apat na piraso pang heat sealed transparent plastic sachet na may bigat na 1.48 gramo na nagkakahalaga ng P10,064.

Nasamsam pa sa suspek ang ilang drug paraphernalia na nakasilid sa Isang toothbrush case kabilang ang ginagamit na buybust money at keypad phone.

Sa rebelasyon ng suspek, sa Pasay City umano nito kinuha ang mga nakumpiskang illegal na droga at gumagamit ito sa kanilang bawat biyahe.

Samantala, sa pinaigting na kampanya sa illegal drugs ay wala umanong puwang sa lungsod ng Santiago ang mga adik na kanyang lilipulin ang mga ito habang si PMaj. Danao ang hepe ng CIU ng SCPO.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nasa kostodiya na ng pulisya. Rey Velasco

Previous articleConstruction worker tiklo sa P510K shabu sa Taguig buy-bust ops
Next articleIskedyul ng voter registration sa iba’t-ibang lugar sa Paranaque, kasado na