MANILA, Philippines – Nanawagan sa Kongreso ang Department of Energy (DOE) nitong Martes, Mayo 16, na suriing muli ang prangkisa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa hindi maayos na performance.
Naniniwala ang DOE na nasa 80% ng problema sa kuryente ng bansa ay dulot ng “generous franchise” na iginawad sa NGCP noong 2008.
“The concession agreement is very much in favor of the franchisee. It is within the powers of Congress to review it before expiration thereof,” sinabi ni DOE Undersecretary Sharon Garin kasabay ng briefing sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) of 2001 sa House energy panel.
Sa ilalim ng Republic Act 9511 ay binibigyan nito ang NGCP ng prangkisa upang pumasok sa negosyo ng paglilipat ng kuryente sa pamamagitan ng high-voltage backbone system of interconnected transmission lines. Nagbabayad naman ito ng franchise tax na katumbas sa 3% ng lahat ng gross receipts nito mula sa operasyon.
Ang 3% tax ay “in lieu of income tax and any and all taxes, duties, fees, and charges of any kind, nature or description levied, established or collected by any authority whatsoever, local or national, on its franchise, rights, privileges, receipts, revenues and profits, and on properties used in connection with its franchise, from which taxes, duties and charges.”
Advertisement