Home NATIONWIDE Konstruksyon ng fishers’ shelter sa Ayungin sinisilip ng Pinas

Konstruksyon ng fishers’ shelter sa Ayungin sinisilip ng Pinas

MANILA, Philippines- Kinokonsidera ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagtatayo ng shelter para sa mga mangingisda sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Martes.

“Siguro po pagplaplanuhan pa iyan kasi it should be an inter-agency program,” pahayag ni AFP Spokesperson Colonel Medel Aguilar sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing.

“Ang name-mention pong structure is para siyang shelter para sa mga fisherfolk and therefore it will involve different government agencies,” dagdag niya.

Ayon kay Aguilar, handa ang AFP na gawin ang parte nito sa implementasyon ng proyekto.

Nitong December 12, sinabi ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na dapat magtayo ng istrasktura ng Pilipinas sa Ayungin Shoal kasunod ng pinakabagong pag-atake sa Filipino vessels sa WPS.

“We will put up a civilian structure at the Ayungin Shoal. For example, magtayo tayo ng [let’s put up a] lighthouse, or marine scientific research center. Kasi Ayungin Shoal is part of our exclusive economic zone (EEZ), tayo lang ang pwedeng magtayo ng struktura doon exclusively,” ani Carpio.

“Dapat ‘yun ang gawin natin. Instead of sending military supplies, we will be sending later on civilian supplies. Iko-convert natin ‘yung activity from military to civilian,” dagdag niya.

Noong Agosto, inihayag ni Senator Francis Escudero na tinitingnan niyang irekomenda na maglaan ng hindi bababa sa P100 milyon sa 2024 national budget para sa konstruksyon ng lodging facility sa Ayungin Shoal. RNT/SA

Previous articleTaas-sahod sa 2024 posible – DOLE chief
Next articlePBBM nakahakot ng P4T investments mula sa foreign trips