Home NATIONWIDE Konstruksyon ng libo-libong klasrum noong 2023 ibinida ni VP Sara

Konstruksyon ng libo-libong klasrum noong 2023 ibinida ni VP Sara

MANILA, Philippines- Inihayag ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte nitong Huwebes na libo-libong silid-aralan ang itinayo at kinumpuni noong nakaraang taon, subalit  inaming marami pang kailangang gawin upang tugunan ang matagal nang problema ng kulang na school facilities.

Sa kanyang presentasyon ng ikalawang Basic Education Report (BER), sinabi ni Duterte na may kabuuang 3,637 bagong silid-aralan ang itinayo noong nakaraang taon, 6,203 ang nasa iba’t ibang yugto ng konstruksyon, habang 811 ang “under procurement.”

“By the end of the first semester of 2024, we hope to complete the construction of at least 4,000 classrooms,” anang opisyal.

Inihayag din ng DepEd chief na natapos din ang pagkumpuni sa 4,542 classroom noong nakaraang taon. Samantala, may kabuuang 3,428 classroom ang kasalukuyang inaayos, habang 5,896 ang nakatakdang kumpunihin.

“We have made progress, but clearly, this is not enough,” ani Duterte.

Kaya nga, aniya, makikipagtulungan ang DepEd sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang paghusayin ang koordinasyon sa Special Allotment Release Order request process “to build more and build faster.”

Sinabi ni Duterte na tututukan ng DepEd ang tatlong salik upang matugunan ang kakulangan ng silid-aralan sa bansa: temporary classrooms; calamity-stricken areas na may unfunded calamity-damaged school buildings; at konstruksyon ng medium-rise school buildings sa priority areas na mataas ang bilang ng classroom shortages subalit may limitadong buildable space.

Sa una niyang Basic Education Report noong January 2023, inihayag ni Duterte na nananatiling pangunahing problema ng basic education sector sa bansa ang school infrastructure at mga pasilidad.

Kinilala niya na kailangang magtayo at kumpunihin ang school facilities upang maibigay ang learning needs ng milyon-milyong estudyante sa bansa. RNT/SA

Previous articleIlang bahagi ng bansa uulanin sa shear line, Amihan
Next articlePBBM: PH schools dapat maging ‘no-bully zones’