Home NATIONWIDE Konsultasyon sa pagpapaliban ng BSKE sa NegOr, sisimulan na ng Comelec

Konsultasyon sa pagpapaliban ng BSKE sa NegOr, sisimulan na ng Comelec

369
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes, Mayo 16, na sisimulan na nila ang konsultasyon kaugnay sa posibilidad ng pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Negros Oriental dahil sa banta sa seguridad.

“Our executive director already submitted the proper guidelines. It will be up for consultation tomorrow, hopefully we will be able to approve the guidelines and we can start the consultation process even by June,” pahayag ni Comelec Chairman George Garcia sa panayam ng CNN Philippines.

Kasunod ito ng mga rekomendasyon na ipagpaliban na muna ang BSKE sa nasabing probinsya dahil sa mga banta sa kapayapaan at seguridad, at pagkasawi ni Governor Roel Degamo.

Ani Garcia, bagama’t bukas ang komisyon sa naturang mga suhestyon, may ilang mga isyu na kailangan pang ayusin.

Ipinaliwanag niya na walang kapangyarihan ang Comelec na ipagpaliban ang halalan, pinapayagan lamang ay hanggang 30 araw.

Kailangan din umanong ikonsidera ang dahilan ng postponement.

“There are serious reasons that must be the basis of postponing the elections,” sinabi ni Garcia, at kabilang sa mga dahilan na pasok ay ang rebelyon, terorismo at pagkasira ng election paraphernalia.

“Pero ang problem is kailan po kaya dapat nangyari itong mga violence, terrorism, force majeure na ito?” ipinunto ni Garcia.

“Dapat po ba ito nangyari during the election period o pwede po ba itong mangyari kahit several months before the election.”

Bagama’t kokonsultahin din ang mga tao kung nais ba nilang maipagpaliban ang eleksyon, nasa Comelec pa rin ang desisyon kaugnay nito. RNT/JGC

Previous articleTINGNAN: Scholarship ipinagkaloob sa 108 student atheletes sa Navotas
Next articleGov’t support sa manufacturing sector, sinang-ayunan ng 89% ng mga Pinoy – survey

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here