Home METRO Kontaminadong tubig sa Baguio City natukoy ng DOH

Kontaminadong tubig sa Baguio City natukoy ng DOH

MANILA, Philippines- Nagpositibo sa kontaminasyon ang isang water source sa Baguio City sa gitna ng deklarasyon ng acute gastroenteritis outbreak sa lungsod, inihayag ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes.

Ayon kay DOH spokesperson Undersecretary Eric Tayag, base sa preliminary result ay may isang pinagkukunan ng tubig na kontaminado at nagpositibo sa pagsusuri.

Idineklara ni Mayor Benjamin Magaling ang outbreak ng acute gastroenteritis sa Baguio City matapos makapagtala ng 1,602 kaso nitong Miyerkules. Kabilang dito ang 218 establisimyento at 80 kabahayan.

Nauna na ring sinabi ng Baguio City Health Services Office (CHSO) na tinitingnan nila ang konataminadong tubig na posibleng sanhi ng naturang sakit.

Kumuha ng water sample sa iba’t ibang water source para sa pagsusuri at retesting upang matukoy ang aktuwal na dahilan ng pagkakasakit ng maraming residente.

Sinabi ni Tayag na ang kaso ng diarrhea sa Baguio ay nagsimulang tumaas simula Disyembre 21, 2023.

Inaasahan aniya na maaring tumaas pa ang kaso dahil ang City Health Office ng Baguio at si Mayor Magalong ay naglabas ng QR code kung saan ang mga nakatira roon ay pwedeng mag-report para mas mabilis matukoy kung sino ang nagkakaroon ng diarrhea.

Tumutulong na rin ang DOH Epidemiology Bureau at Center for Health Development Cordillera Administrative Region sa pamahalaan ng Baguio City upang pamahalaan at kontrolin ang mga kaso ng pagtatae.

Pinayuhan din ng ahensya ang publiko na gumamit ng malinis na tubig para sa inumin, pagkain, pagluluto, pagsisipilyo, at paghuhugas ng kamay at mukha. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBlacklist Rivalry nanalasa sa Asia Pacific Predator group stages ng Dota 2
Next articleNBA: Piston taob sa Spurs