MANILA, Philippines – KINILALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, Agosto 28 na ipinagdiriwang ang National Heroes Day ang marangal at napakagandang kontribusyon ng namayapa at dating Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople sa pagpo-promote ng kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs).
Nagbigay kasi ng tribute si Pangulong Marcos sa mga “unsung heroes” na walang kapaguran na itinuon ang kanilang buhay sa public service.
Sa naging talumpati ng Pangulo sa commemorative ceremony sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City, Lunes ng umaga, sinabi ni Pangulong Marcos na isang “perfect example” si Secretary Ople bilang isang “tunay na bayani” dahil inilaan nito ang kanyang buhay na i-promote ang kapakanan ng mga OFWs.
“We must mention a dear and departed friend who we can only describe as well as a hero and that is our good friend who we just lost, Secretary Toots Ople. And she is a perfect example of what true heroism can be. She tirelessly dedicated the better part of her life to promote the welfare of our modern-day heroes,” ayon kay Pangulong Marcos.
Si Secretary Ople, isang tunay na kampeyon ng Filipino migrant workers, ay namatay noong Agosto 22 sa edad na 61.
Kinilala rin ng Chief Executive ang kabayanihan ng isang electric lineman mula Bacolod City, na matapang na hinarap ang mataas na tubig baha ng bagyong Egay at inilagay sa peligro ang buhay para kumpunihin ang nasirang electrical wires para pigilan ang mas matinding panganib ng electrocution at isang magsasaka na hindi alinatana ang masamang panahon at kondisyon ng ekonomiya matiyak lamang ang matagumpay na pag-aani.
Kinilala rin ng Pangulo ang “heroic act” ng isang guro na nagsumikap, hindi lamang para maging ma buting guro kundi maging isang pasensiyoso at matiyagang multi-tasker ng iba’t ibang aktibidad.
Binanggit din ng Pangulo ang guro na tumulong sa isang matandang kapitbahay na nangangailangan sa panahon ng “napakalaking sunog” sa Maui, Hawaii.
Kinilala rin ng Punong Ehekutibo ang mga OFWs, kung saan ang mga remittances ay patuloy na nagsisilbi bilang “strong pillar” ng gross domestic product (GDP) ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Sa kabilang dako, hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang mga mamamayan na huwag kalimutan ang mga nasabing “unsung heroes” at patuloy na sabihin sa buong mundo ang “tales of their heroic deeds with genuine appreciation and of promise to emulate their actions and do better.”
“We shall not take their heroism for granted. We will not spare ourselves of the moral duty to perpetuate the ideals that they have fought for, and to rectify the unsafe, inequitable, or exceptionally difficult conditions that necessitated their selfless deeds,” ayon sa Pangulo.
“Failing in our duty, their sacrifices would have been all in vain. Collectively, their heroic acts, small or large, go a long way and make our country and the world a better place. To them, we once again earnestly dedicate this special day,”dagdag na wika nito.
Hinikayat din ng Pangulo ang mga mamamayang filipino na sama-samang alalahanin ang “heroic deeds” ng mga taong ipinaglaban ang “dangal at dignidad” ng bansa mula sa mga mandirigma ng “old, revolutionary thinkers, war veterans, and the countless patriots” na tumulong para hubugin ang Pilipinas na maging “free, independent, and self-determined.”
Hinikayat din ng Punong Ehekutibo ang lahat na ipagpatuloy lamang na sabihin at ihayag ang kanilang katapangan at karunungan sa mga kabataan, “to inspire them and strengthen the identity and cohesion” ng Pilipinas para sa darating na siglo.
“In our journey forward as a nation, we must break free from the notion that heroes are only those who have earned a place in the National Pantheon, immortalized in monuments, or those whose names are inscribed in streets, or whose lives are chronicled in biographies,” ayon sa Pangulo.
“While the memories of our heroes of our storied past will never fade, new ones continue to emerge. They are here amongst us, in the daily bustle of modern-day society, in our communities, in our own families and inner circles,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, dumalo rin si House Speaker Martin Romualdez sa nasabing event kasama sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, National Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., Presidential Communications Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, at National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairman Emmanuel Calairo.
Dumalo rin sa nasabing event sina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., Taguig City Mayor Laarni Cayetano, at iba pang opisyal ng pamahalaan, ang paggunita sa National Heroes Day ngayong taon ay may tema na “Karangalan. Katungkulan. Kabayanihan.” Kris Jose