Home NATIONWIDE Kooperasyon ng Pinas sa ICC drug war probe depende kay PBBM –...

Kooperasyon ng Pinas sa ICC drug war probe depende kay PBBM – SolGen

MANILA, Philippines- Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang may “final say” kung makikipagtulungan ang Pilipinas o hindi sa imbestigasyon ng  International Criminal Court (ICC) sa drug war deaths sa ilalim ng panunungkulan ng administrasyong Duterte.

Ito ang sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra, nagsilbi bilang Justice chief sa panahon ng Duterte administration, nang tanungin ukol sa kung paano tutugon ang Pangulo (Marcos) sa nasabing usapin lalo na ang ginawang panawagan Kamara at Senado na i-adopt ang resolusyon na naglalayong hikayatin ang pamahalaan na makipagtulungan sa ICC probe.

“Your resolutions urge the President to cooperate, but the final say of whether in fact the government will cooperate will be with the President,” ayon kay Guevarra sa isinagawang House deliberation.

“Yours is an expression of sentiment. That is who you feel about it. [But] it depends on the final decision of the President, whether he will grant your request. Nasa kanya po iyon,” dagdag na wika nito.

Sa nasabi pa ring pagdinig, inulit ni Guevarra na ang Philippine government ay walang legal obligation na makipagtulungan sa  ICC lalo pa’t ang ipinagkaloob lamang ng Pre-Trial Chamber ng korte ay ang kahilingan ng prosecutor na magsagawa ng preliminary investigation noong Setyembre 2021, o mahigit na dalawang taon mula nang kumalas ang Pilipinas sa ICC. Naging epektibo noong Marso 2019 o isang taon matapos na ipaalam sa  ICC ang pagkalas nito.

“The trigger of exercise of [ICC] jurisdiction came much too late,” ayon kay Guevarra.

“We have no legal duty to cooperate,” dagdag niya.

Gayunman, sinabi ni Guevarra na ang magiging salita ng Pangulo sa ICC cooperation “will reign supreme” at ito ay  political decision.

“The President has said we cannot give our cooperation with the ICC prosecutor several times, but if he will think twice because of these resolutions, siya  po ang magde-decide ‘nun,” ani Guevarra.

Samantala, ibinasura naman ng ICC Appeals Chamber noong Hulyo ang request ng gobyerno ng Pilipinas na itigil ang imbestigasyon sa drug war killings dahil sa kabiguan ng Philippine government na patunayan na ang legitimate investigation at pag-uusig sa mga perpetrators o salarin ay isinagawa ng mga lokal na awtoridad. Kris Jose

Previous articleDe Lima balik-politika sa 2025?
Next articleKelot na mahina ang pandinig patay sa sagasa ng tren!