Koordinasyon sa AFP, pagbubutihin upang maiwasan ang ‘misencounter’ – PNP

Koordinasyon sa AFP, pagbubutihin upang maiwasan ang ‘misencounter’ – PNP

June 30, 2020 @ 11:17 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Pagbubutihin ng Philippine National Police (PNP) ang komunikasyon at koordinasyon sa militar kasunod ng naganap na “misencounter” sa pagitan ng dalawang panig na ikinasawi ng apat na sundalo nitong Lunes.

“There are really lessons to be learned from this incident. On the part of PNP we will make efforts to coordinate, communicate with our partners in the armed forces,” pahayag ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac sa isang panayam.

“We will emphasize in our training in all our activities, the importance of presence of mind, of discipline, and then of course, proper coordination and communication. It is one thing that we can really do to prevent this incident from happening in the future,” dagdag pa nito.

Nitong Lunes, nagkaroon ng engkwentro ang police officers at ang apat na sundalo 50 metro mula sa Jolo police station. Nakiusap na ang Western Mindanao Command sa National Bureau of Investigation na magsagawa ng imbestigasyon sa insidente.

Aniya, hindi natukoy ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga sundalo dahil sa kakulangan ng komunikasyon.

“We consider this a misencounter, a case where our cops might not have been able to identify properly those soldiers, our colleagues in security forces. This is a very unfortunate incident for maybe lack of proper coordination, lack of proper communication between and among ourselves,” ani Banac.

Siniguro rin ng PNP sa publiko na makikipagtulungan ito sa NBI para sa imbestigasyon. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...