Home HOME BANNER STORY ‘Korapsyon’ sa MILF cash grant tatalupan ng PH gov’t

‘Korapsyon’ sa MILF cash grant tatalupan ng PH gov’t

MANILA, Philippines- Nakatakdang imbestigahan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang umano’y anomalya sa distribusyon ng P100,000 cash grant para sa rebel returnees.

“This government shall not tolerate any act of corruption or irregular transactions, moreso those that undermine the well-being of our MILF brothers and sisters,” pahayag ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr.

Sa Senate hearing, sinabi ni Committee on National Defense and Security, Peace, Unification, and Reconciliation chairperson Senator Jinggoy Estrada na nakatanggap siya ng ulat na 50% ng P100,000 aid para sa rebel returnees mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang ibinigay umano sa commanders.

Inihayag ni Estrada na nakuha niya ang impormasyon ito sa dating MILF rebels.

Ani Galvez ang “isolated incident will be thoroughly investigated, and will be brought to the attention of the” MILF leadership.

Iginiit naman ni MILF Peace Implementing Panel Secretariat Engineer Mahajirin Ali sa Senate hearing na bineberipika pa nila ang ulat, at sinabing hindi kinukunsinti ng kanilang grupo ang ilegal na gawain. RNT/SA

Previous articleSY 2023-2024 matatapos sa May 31 – DepEd
Next articleMUP funds sa ilalim ng 2024 budget sapat – solon