Home NATIONWIDE Korea, US arrivals inaasahang madodoble sa gitna ng paghihigpit sa visa rules...

Korea, US arrivals inaasahang madodoble sa gitna ng paghihigpit sa visa rules para sa mga Chinese

MANILA, Philippines- Muling ika-calibrate ng Department of Tourism (DOT) ang pagsisikap nito na maitaas ang tourist arrivals mula sa ibang source markets, kabilang ang South Korea, Estados Unidos at Japan.

Inihayag ito ni Tourism Secretary Christina Frasco matapos niyang aminin na ang karagdagang visa requirements para sa Chinese nationals “will certainly pose challenges” pagdating sa paghikayat sa mas maraming Chinese tourists sa bansa.

Gayunman, sinabi ng Kalihim na naiintindihan ng DOT ang naging desisyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) at policy direction, “especially that it is based on certain security components.”

Nagsimula kasing hingan ng DFA ang Chinese nationals na nag-aapply para sa pansamantalang visitor’s visa na magsumite ng kanilang Chinese Social Insurance Record certificates.

“Sa part naman ng DOT patuloy lang din ang ating efforts in terms of further attracting our well-performing traditional source markets kasali na po dyan ang South Korea, United States at Japan,” ang pahayag ni Frasco sa sidelines ng Philippine Tourism and Hotel Investment Summit sa Makati City.

Bukod sa nasabing merkado, pinalalawak naman ng DOT ang saklaw nito sa India at Gitnang Silangan.

Aniya, “marketing and promotions to attract Chinese tourists into the country are continuous.”

“Our efforts through our tourism attachés in Shanghai and Beijing are still continuing as we still have Chinese tourists coming in as group tours as well as our cruise tourism passengers,” ayon pa rin kay Frasco sabay sabing, “We are working very closely with our aviation partnerspara lumago pa ang connectivity sa Philippines.”

Samantala, base sa pinakabagong datos ng DOT, ang Tsina ay nananatiling top 3 source market ng Pilipinas para sa foreign tourists, na may 168,628 arrivals na naitala mula Enero hanggang Mayo 2024.

Ang bilang na ito ay mas mataas ng 6.56% mula sa 6,980 Chinese visitors na natatanggap ng bansa sa kaparehong panahon noong 2023. Kris Jose