Home METRO Koreano arestado sa ‘panggagahasa’ sa Pinay

Koreano arestado sa ‘panggagahasa’ sa Pinay

MANILA, Philippines- Timbog ang isang Korean national matapos magsampa ng isang Filipina na rape complaint laban sa kanya sa Pasay City nitong Nov. 28.

Sinabi ni Pasay police chief Col.Marion Mayames na naghain ang 18-anyos na biktima ng reklamo laban sa suspek na kinilalang si Kevin, 25, Korean national.

Batay sa police report, naganap ang insidente dakong alas-4:45 ng hapon sa loob ng kwarto ng suspek sa Barangay 15, Pasay City.

Sinabi ng biktima sa mga pulis na bago ang insidente, inendorso siya ng kanyang kaibigan kay Kevin upang magtrabaho bilang casino dealer sa opisina ng suspek sa HK Plaza, Macapagal Boulevard, Pasay City.

Ayon sa biktima, matapos ang interview, inimbitahan siya ng suspek sa isang hapunan at pinilit umano siyang sumama sa apartment nito.

Aniya, pagpasok nila sa kwarto ay muli siyang pinilit ng suspek na uminom ng alak na tinanggihan niya, subalit kinaladkad umano siya sa kama at pwersahang hinubaran at pinagsamantalahan.

Inihayag ng biktima na matapos ang sexual assault, nakaalis siya sa lugar at agad na nagsumbong sa Pasay Police Substation 1 sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex. James I. Catapusan

Previous articleBomba nadiskubre sa kampo ng NPA
Next articlePBBM sa mga Pinoy: Kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio tularan