Home METRO Kotse inararo ng trak, 4 todas!

Kotse inararo ng trak, 4 todas!

CITY OF BALANGA, Bataan- Patay ang apat na indibidwal nitong Linggo ng gabi nang araruhin ng dump truck ang isang kotse sa Barangay Old Cabalan sa Olongapo City.

Kinilala ng mga pulis ang mga nasawi na sina Renz Tiu, Veronica Ng, Romnick Tiu, at isang nagngangalang “Balong,” kapwa residente ng Mariveles, Bataan.

Nanggaling ang apat sa bahay ng fiancée ng isa sa mga lalaking biktima, na hindi agad na natukoy sa ulat, upang pagplanuhan ang kanilang kasal sa susunod na buwan.

Tumagal ng ilang oras bago nakuha ng emergency responders ang mga bangkay ng mga biktima mula sa rash site.

Nawalan umano ng kontrol sa sasakyan ang driver dahil sa aberya sa preno.

Ayon sa mga imbestigador, pauwi na sa bahay ang mga biktima nang maaksidente. RNT/SA

Previous articleNominasyon ni Alexander Lopez bilang PRA chair oks kay PBBM
Next articlePinoy seafarers sa barkong sapul ng Russian missile pauuwiin