Home METRO Kotse pisak sa karambola ng 5 sasakyan!

Kotse pisak sa karambola ng 5 sasakyan!

MANILA, Philippines- Nagmistulang yuping lata ang isang kotse nang magkarambola ang limang sasakyan sa kahabaan ng Pres. Quirino Avenue sa Maynila.

Sa insidente, isa ang iniulat na sugatan at dinala sa ospital ng Maynila–ang sakay ng Hatchback na may plakang NER-8321 dahil sa matinding pinsala ng kanyang minamanehong kotse .

Sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng isang truck na may plakang RND 916 ang kahabaan ng southbound lane ng Pres. Quirino Avenue nang pagsapit sa partikular na spot malapit sa kanto ng Plaza Dilao ay nagkaroon ng aberya.

Ayon sa sa truck driver na si Ronald Maglaque, nawalan ng preno ang kanyang minamanehong sasakyan na nagresulta sa karambola ng iba pang sasakyan na kasunod nito.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa insidente na kinasasangkutan ng dalawang taxi, dalawang truck at kotse. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article2 patay sa landslide sa Davao City
Next articleKarla, wapakels sa bashers!