Home NATIONWIDE Krimen, human rights abuses bumaba sa unang 2 buwan ng 2024

Krimen, human rights abuses bumaba sa unang 2 buwan ng 2024

MANILA, Philippines – PINURI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ‘uniformed men’ ng gobyerno para sa pagpapanatili ng ‘good performance’ sa pagtugon sa kriminalidad sa bansa sa pagsisimula ng taon.

Sinasabing nagawa ng mga ito ng maayos ang kanilang tungkulin na hindi napapasama ang “rule of law.”

Ipinahayag ito ng Pangulo matapos pangunahan ang oath-taking ceremony para sa mga newly promoted officials ng Philippine National Police (PNP) sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Lunes, Marso 18.

Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na 98% ng crime clearance efficiency na naitala noong 2023 ang napanatili ng PNP sa pamamagitan ng patuloy na krusada sa unang dalawang buwan ng 2024.

“Compared to January to February of last year, there were fewer cases of theft, robbery, carnapping, rape, and physical injury,” ayon sa Pangulo.

“And we have done it without resorting to legal shortcuts, or short-circuiting the process or acts that subvert the rule of law,” dagdag na wika nito.

Pinuri rin ng Pangulo ang pagbaba ng insidente ng human rights violations ng 50% noong 2023 kumpara noong 2022.

“It only proves that rules strengthening the fabric of democracy are not inconveniences but integral and indispensable tools in serving justice,” aniya pa rin.

Ayon sa Pangulo, ang bilang ng krimen na nangyari sa bansa ay bumaba sa 198,617 sa ‘first full year” ng kanyang administrasyon mula 207,143 in 2022. Sinasabing mas mababa rin ito sa 295,382 na naitalang krimen noong 2017.

“Index crimes have gone down threefold in the same period. From 107,899 in ‘17 to 38,436 last year,” ayon sa Chief Executive.

Subalit, sa kabila nito ayon sa Pangulo, hindi aniya dapat na maging kampante ang PNP.

“Let me make this very clear: We should not be content with the current decrease in crime rates,” anito pa rin.

“While the statistics can be counted, and crime incidents reduced, even in their diminished state, the disturbance they cause is still immeasurable,” dagdag na wika ng Pangulo.

Samantala, hinikayat ng Pangulo ang PNP na pag-ukulan ng pansin ang paglaban sa cybercrimes sa pamamagitan ng paggamit ng bagong teknolohiya, na aniya’y may epekto sa kapakanan ng mga mamamayang Filipino at national interest. Kris Jose

Previous articleGrade 10 patay sa higop ng ilog
Next articleVice, di nakapalag kay Darren!