Kris Aquino, nabagsakan ng electric fan, naipitan ng ugat, maga ang mata!

Kris Aquino, nabagsakan ng electric fan, naipitan ng ugat, maga ang mata!

May 26, 2020 @ 8:59 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Humingi ng paumanhin si Kris Aquino sa kanyang Facebook followers, na may lagpas two million ang bilang, dahil hindi natuloy ang kanyang FB live session.

Nabagsakan daw kasi siya ng electric fan at naipitan siya ng ugat.

Bukod du’n ay nakainom pa raw siya ng maling pain reliever dahil sa kanyang migraine na naging sanhi ng kanyang allergic reaction, rashes sa mukha at pamamaga ng kaliwang mata.

“Sorry hindi natuloy our other FB Live sessions,” sabi pa ni Kris sa kanyang post sa kanyang FB page.

Binigyan pa niya ng babala ang kanyang mga followers dahil hindi maayos at hindi magaganda ang mga retratong kanyang inilagay.

“Last Sunday, I drank the wrong pain reliever for my migraine- the result? Super bad allergic reaction & 5 days before swelling finally subsided,” sabi pa ng tinaguriang Multimedia Star.

Sinabi pa niya sa kanyang nga followers na dapat daw silang mag-ingat at magsilbing warning sa kanila ang nangyari sa kanya.

Ikinuwento rin niya kung ano ang nangyari at bakit may benda ang kanyang kamay.

“This afternoon I tried to be independent; I was adjusting the electric fan stand to lower it, malay ko ba na puwedeng biglang bumagsak na lang ‘yung buong fan and naipit na ko- OUCH.

“Since hindi talaga pwede sa pain relievers & anti inflammatory meds, I’m using helichrysum essential oil…

“Nurse Mona made a splint because ang hirap to straighten my hand, may mga naipit na ugat kaya up to my elbow ‘yung kirot,” kuwento pa ni Kris na halatang sobrang nahihirpan sa nangyari sa kanya.

Ang isa sa mga pictures na kanyang pinost ay isang bible verse mula sa Jeremiah 17:14 – “Heal me o Lord and I shall be healed; save ne and I shall be saved; for you are my praise.” Joey Sarmiento

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...