Home ENTERTAINMENT Kris, ia-admit na sa UCLA hospital!

Kris, ia-admit na sa UCLA hospital!

Los Angeles, USA- Ngayong February 22, Huwebes ay nakatakdang malaman kung matutuloy ang admission ni Kris Aquino sa ospital.

If so, the former Queen of All Media will be confined at the UCLA Hospital.

Ito ‘yung binanggit ni Kris sa live interview sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk that coincided with her 53rd birthday (February 14).

Ngayong araw inaasahang malalaman ng publiko mula sa nobyo ni Kris na si Batangas Vice Governor Marc Leviste ang detalye ng supposed confinement ng nobya.

Kahanga-hanga nga ang tireless efforts ni Marc looking after Kris.

Aniya: “Basta love, dasal at laban lang…you mean the whole world to me!”

Nakaka-touch din ang ginawang compilation ni Marc ng mga greetings sa nakaraang kaarawan ni Kris.

Ang iba’y nagpaunlak pa ng awitin tulad nina Gary Valenciano, Darren Espanto, Jed Madela, KZ Tandingan, Sarah Geronimo, to name a few.

Matatandaang sa kalmadong panayam kay Kris, binanggit niya ang dumapong Churg Strauss sa kanya na siyang nagpapahirap sa kundisyon ng kanyang puso.

Anytime daw ay maaari siyang magkaroon ng cardiac arrest in her sleep or in the middle of whatever activity she may have.

Kung tiyak na ang admission ni Kris sa UCLA Hodpital today, ibig sabihi’y bawal muna siyang dalawin doon.

As such, her kids Joshua and Bimby will be sent back home.

Like everyone else’s fervent prayer, sana’y malampasan na ni Kris ang kanyang karamdaman. Ronnie Carrasco III

Previous articleMga tutol sa Cha-cha nagprotesta sa Maynila
Next articleSuspek sa pag-atake sa 65-anyos na Pinay sa NYC sinintensyahan