Home ENTERTAINMENT Kris, ipapasok sa ospital, may bagong gamot na susubukan!

Kris, ipapasok sa ospital, may bagong gamot na susubukan!

Manila, Philippines- Isang gap lang ng mga commercial ang ikinarga sa Valentine episode ng Fast Talk with Boy Abunda.

Tulad ng ipinangako, live via Zoom ang panauhin ni Boy Abunda na si Kris Aquino who celebrated her 53rd birthday.

Ayon sa latest blood panel result kay Kris, bumaba raw hanggang 8.7 ang kanyang hemoglobin.

This is apart from the many discomforts na pinagdaraanan niya nang ma-diagnose with autoimmune disease.

Kris is battling her fifth autoimmune disease.

Crucial daw ang mga susunod na anim na linggo as regards her medical condition.

Come Monday, February 19 ay iko-confine daw si Kris sa ospital.

Susubukan daw ng kanyang mga doktor ang bagong gamot.

Hindi raw birong i-administer ang nasabing gamot dahil kailangan siyang bigyan muna ng steroids.

Initially, baby dose muna ang ibibigay sa kanya.

If it works, bibigyan siya ng ikalawang dose.

Kris needs at least four doses.

Crucial ito in the sense na doon daw nakasalalay ang aniya’y “last chance” niya.

Napag-usapan din nila ni Boy ang heart condition ni Kris.

Malaking contributing factor daw ang genetics.

Ang tatay ng ama niyang si Ninoy died of cardiac arrest at the age of 55.

Si Ninoy naman daw–FYI–bago binaril ay nakaiskedyul sumailalim sa angioplasty weeks before he was gunned to death.

Sa kaso ni Kris, maaari raw siyang magkaroon ng stroke: in her sleep or in the middle of an activity.

Inilarawan ni Kris ang kanyang puso whose middle layer is inflamed as well as the surrounding muscles are concerned.

Sa bandang huli, Kris thanked all those who keep praying hard na malampasan niya ito.

Wish daw ng mga ito na gumaling si Kris para muli siyang mapanood: bagay na ani Kris ay malabo nang mangyari.

May usapan din sila ni Boy that if anything happens to her ay lilipad agad patungong Amerika ang King of Talk to be with her.

“Pero sino ba ang gustong mamatay? I still want to be with my kids…but I thank the Lord dahil buhay pa ako. Bonus na lang ito,” pagtatapos ni Kris na kalmante lang sa pagpapaliwanag minus an outburst of intense emotions. Ronnie Carrasco III

Previous articlePanukalang dagdag-P100 sa minimum na sahod gumulong na sa Senado
Next article3 tulak dinamba sa P3.2M marijuana