Home ENTERTAINMENT Kris, kumalas na kay Marc! ENTERTAINMENTLOCAL BIZSHOWBIZTOP STORIES Kris, kumalas na kay Marc! July 11, 2023 11:07 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – How sad it may have been for Batangas Vice Governor Marc Leviste to have left the US pabalik ng bansa. Nagpasya kasing makipagkalas sa kanya ang nobyang si Kris Aquino, the Queen of All Media confirmed gabi nitong July 10. Ani Kris, “He was not only my boyfriend, he’s also my best friend and confidante.” Mapapansing “was” ang linking verb na ginamit ni Kris, pag-amin na nobyo nga niya ito. Matatandaang inalmahan ni Kris nang isapubliko ni Marc ang kanilang relasyon nitong June 16. Nagbigay ng katwiran si Kris sa likod ng desisyong makipag-break sa pulitiko. Aniya, “There’s the Pacific Ocean that separates us, a 15-hour time difference and a 13-hour flight.” Para kay Kris, hindi raw uubra ang kanilang long distance relationship. Bukod dito’y ayaw raw niyang maging balakid sa pagiging isang public servant ni Marc na higit na mas kailangan ng kanyang mga nasasakupan. Gayunpaman, ipinaabot ni Kris ang kanyang pasasalamat kay Marc “for the magic of ‘Once Upon a Time’.” Ipinapalagay na si Marc ang muling nagpatibok ng puso ni Kris na matagal nang nakahimbing. Talaga nga raw kasing maaasahan si Marc lalo’t sa gitna ng pinagdaraanang health condition. Tanggap din ng mga anak ni Kris na sina Joshua at Bimby si Marc na magiliw ang pakikitungo sa kanila. Ronnie Carrasco III