Home ENTERTAINMENT Kris, magbabalik na?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kris, magbabalik na?September 29, 2023 06:50 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Los Angeles, USA – A stronger and better Kris Aquino!Bahagi ito ng caption ng isang uploaded throwback video sa verified account ni Kris sa Twitter (now X).May nag-upload kasi ng lumang video kung saan makikitang nag-aabang si Kris na magbukas ang elevator ng isang building.Nilakipan ito ng caption na: “Our Queen will be back soon.. stronger and better!”Sapat na ang throwback video at caption na ‘yon para magbunyi ang mga supporters ni Kris.Ngayon pa nga lang, they can’t wait to see the Queen of All Media back on her toes!Samantala, hindi rin maiaalis sa mga taong nagdarasal para kay Kris na mag-isip if her health condition has improved.Binigyan na raw ba si Kris ng clearance ng kanyang doktor na bumalik ng Pilipinas at magtrabahong muli?Mismong si Kris na rin kasi ang nagsabing there’s no cure to her autoimmune disease.So kung magbabalik siya soon based on the caption sa throwback video, has she regained her strength at mas bumuti na ba ang kalagayan niya?Kung totoo, aba’y marami ang paliligayahin ni Kris lalo’t walang nagmamay-ari ng binakante niyang trono!And once Kris is back, tiyak na she will give her fellow hosts a run for their money!Sana nga lang ay hindi “press release” lang ang mga katagang “stronger” at “better” dahil it’s giving her supporters false hope. Ronnie Carrasco III