Manila, Philippines – Maagang birthday gift para kay Kris Aquino ang pakikipagkita niya sa kanyang doktor kamakailan.
Still in the US for her much-needed treatment of her autoimmune diseases, Kris turns 52 this February 14, Araw ng mga Puso.
Bale tatlong buwan at kalahati ang hinintay ni Kris para sa face to face consultation mula nang dumating sa Amerika.
Napa-thank you, Lord nga ang mga taong nagmamalasakit at nagmamahal kay Kris who continue to pray for her recovery.
Paglalarawan niya sa doktor who she met up for consultation: among the best.
Kakaiba ito sa mga naunang tumingin sa kanya who advised her to come home para dito na lang magpagaling.
Ang ibinigay ng among the best na doktor sa kanya, in her exact words, ay “renewed hope that although it will be a long process, I have a strong chance to get better.”
Una niyang pinasalamatan ang sikat na fashion designer na si Michael Leyva na sa simula pa lang daw ng kanyang laban ay hindi siya iniwan.
‘Yun ay hanggang bumiyahe ito sa Amerika to look after her.
Kris describes Michael or ML as Josh’ and Bimby’s adopted brother.
Ikinatuwa ni Kris what ML has become after she opened the doors for him.
Hindi naman daw kasi magtatagumpay si Michael kung hindi ito creative, masipag, humble, mabait sa mga empleyado nito at mapagmahal sa pamilya.
Samantala, ang pagpasyal ni Kris sa kanyang mga anak sa Disneyland bilang pagtupad sa binitiwang pangako kay Joshua gave the netizens the impression na parang wala siyang iniindang karamdaman.
Hindi nga lang ganoon ka-bubbly si Kris tulad ng nakasanayan natin, but she looked as though her health condition is not at all bad and alarming.
Sana nga, with her new doctor ay makamtan ni Kris ang sinasabi niyang renewed hope. Ronnie Carrasco III