Home ENTERTAINMENT Kris, may iaanunsyo ngayong araw!

Kris, may iaanunsyo ngayong araw!

Manila, Philippines- Naihabol kahapon ni Boy Abunda ang kanyang anunsyo bago magtapos ang kanyang programang Fast Talk sa GMA.

Naisingit kasi ni Boy ang announcement mula sa kanyang pinakamalapit na kaibigan sa showbiz na si Kris Aquino.

Boy is set to read Kris’ announcement on today’s live telecast of his afternoon program.

It coincides with the Queen of All Media’s 53rd birthday.

Kris celebrates her special day in Orange County in Los Angeles, California.

Pasakalye ni Boy kahapon, “Kris (na itinuturing kong kapatid) is celebrating her 53rd birthday tomorrow…she’s going through a difficult time right now.”

Nangako raw kasi si Kris na magbibigay siya ng kanyang mensahe to be read by Boy in today’s episode of FTWBA.

Ayon kay Boy ay hihintayin daw niya ang mensahe ni Kris.

Nais daw ni Kris na si Boy ang magbasa niyon sa ere para raw mas maintindihan.

Pero may pasubaling binitawan si Kris kay Boy: “Promise me, you will try not to cry…”

Na sinagot naman ni Boy ng: “Yes, Kris, I promise not to cry.”

Matatandaang noong bumisita si Boy kay Kris sa rented home nito sa US ay hindi nito napigilang maging emosyonal sa gitna ng medical procedure being performed on Kris ng mga sandaling ‘yon.

Tiyak na may kinalaman sa kanyang health condition ang mensahe ni Kris.

As Kris puts it herself, utang daw niya ang ibahagi ‘yon sa mga taong nagdarasal para sa kanya.

Abangan dito sa Remate Online ang aming followup story. Ronnie Carrasco III

Previous articlePokwang, sumumpang hindi sinapawan si Glaiza! 
Next articleDMW nagbabala sa publiko vs illegal student, tourist visas scheme