Home ENTERTAINMENT Kris, may update sa di gumagandang health condition!

Kris, may update sa di gumagandang health condition!

Manila, Philippines – Ibinahagi ni Kris Aquino sa Instgram ang latest kaugnay ng kanyang health condition.

Her post came with a short video showing her with a mug of green juice prepared by her son Bimby.

Halatang ‘di type ni Kris ang lasa ng pinagsama-samang pipino, mansanas at lots of spinach.

Hindi nga niya ito naubos habang ininom in bed.

May rebelasyon si Kris na ayaw man niyang isapubliko, “I feel I must.”

May kaugnayan ‘yon sa kanyang hemoglobin which hit all-time low, mababang sodium na dati na naman at pagbaba rin ng kanyang potassium.

Nagkaroon na rin daw siya ng minor lung damage.

All she needs is to take real food dahil hindi raw siya dapat dumepende sa gatas lang.

Magkakaroon din siya ng iron infusions.

Loss of weight daw ang kailangan niyang i-address.

Dagdag pa niya, nagkakaroon daw siya ng mga dizzy spells after taking a shower.

Seven out of 10 daw na pasyente na merong Churg-Strauss syndrome attribute death to heart failure.

Kung tama ang aming pagkakaintindi, Kris’ health condition is far from getting better.

Gayunpaman, lagi nating sinasabi na makapangyarihan ang panalangin if all else fails.

May mga netizens ding awang-awa sa kalagayan ni Kris ang nagsa-suggest na magpatingin siya sa isang exorcist priest.

Parang nakakatawa namang umabot na sa napo-possess si Kris ng demonyo gayong hindi naman.

Linda Blaire, ikaw ba ‘yan?! Ronnie Carrasco III

Previous articleIndian, Pakistan national patay sa pananambang
Next articlePope Francis may sakit sa baga