Home ENTERTAINMENT Kris, nag-food trip!

Kris, nag-food trip!

Los Angeles, USA – Harinawang manumbalik na ang appetite o ganang kumain ni Kris Aquino.

Who knows, baka ito ang maging daan sa paggaling niya mula sa iniindang sakit.

Iron-rich “real food” kasi ang kallangan ng kanyang katawan.

Balita kasing puro na lang siya gatas.

Tipong sumilay ang ray of hope that Kris would be able to regain her appetite base sa exchange of convo nila ni Jenny Miller sa Instagram.

Nag-post kasi si Jenny ng: “Praying for you always, ninang!”

Now you might ask: saan ninang ni Jenny si Kris?

The question is answered sa kanilang convo.

Taong 2010 nang ikasal si Jenny sa ngayo’y estranged partner na niya.

Kris was at Jenny’s wedding, so it would be safe to say that the former stood as the latter’s ninang sa kasal.

Out of the blue, biglang sumagi sa isip ni Kris ang ipinakain sa kanya roon na talagang nag-enjoy siya.

Post ni Kris bilang sagot sa pangungumusta ng inaanak: “Your wedding feels like a lifetime goal?

“What was the food I ate there and enjoyed?”

Tandang-tanda pa raw ni Kris how the food was served.

Dagdag niya: “I remember it was served in a container used for leche flans (llanera).”

Sobrang touched naman si Jenny sa effort ni Kris to reply.

Sa bandang huli, nagbitiw ng pangako si Jenny: “Promise I’ll bring one for you paggaling mo!”

Naiintriga tuloy kami kung anong pagkaing nasa llanera ang tinutukoy ni Kris na nami-miss niyang kainin.

Whatever it is, can’t Kris ask Jenny to bring it to her all the way to Los Angeles, o ipakisuyo ‘yon sa dadalaw kay Kris doon? Ronnie Carrasco IiI

Previous article‘Checks and balance’ sa gobyerno, lulusawin ng PI – Bong Go
Next articleGinang na tulak ng droga balik-kulungan