Los Angeles, USA – Kinumpirma ni Kris Aquino on her Instagram account na mula sa apat ay lima na ang bilang ng kanyang autoimmune condition.
Worse, there’s likelihood na maging anim pa ito.
Ito ang dahilan kung bakit masidhi ang pakiusap ni Kris na sana raw ay huwag sumuko ang mga patuloy na nagdarasal para sa kanya.
May larawan ng gamot na nakasilid sa bote ang ipinost ni Kris.
In tablet form ito. At para huwag na raw i-Google ng kanyang mga supporters kung para saan ang gamot na ‘yon, it treats cancer.
Nagbanggit din siya ng ilang sakit na puwedeng i-address ng nasabing gamot tulad ng psoriasis.
Aminado si Kris na nahirapan daw siyang kumbinsihin ng kanyang doktor na inumin ‘yon dala na rin ng pagiging maselan niya sa mga medications.
What finally convinced Kris ay ang not-so-positive result ng mga tests run on her.
Advertisement